Honda FQ650 Tiller – ang bagong kaagapay sa pagpapalago ng ani sa abot kayang halaga

September 30, 2021

Honda FQ650 Tiller – ang bagong kaagapay sa pagpapalago ng ani sa abot kayang halaga

Matagal nang kinikilala ng Honda Philippines, Inc. (HPI) ang kahalagahan ng mga magsasakang Pilipino sa pagpapaunlad at pagpapalago ng ani upang matugunan ang kakulangan sa pagkain  at  nutrisyon sa ating bansa.

Para sa bansang umuunlad at umaasa sa agrikultura katulad ng Pilipinas na binubuo ng iba't ibang lupain, palaging hamon ang pagpaparami at pagpapataas ng ani sa bukid dahil ang karamihan sa mga magsasakang Pilipino ay umaasa pa rin sa mga alagang hayop tulad ng mga kalabaw, baka, at kabayo sa pag-aararo ng lupa tuwing panahon ng pagtatanim. Dahil dito, ang mga magsasaka ay hirap sa pag-aararo at inaabot ng  mahabang oras sa ilalim ng araw para lang pagyamanin ang lupa at matamnan ito ng palay, gulay, at iba pa.

Ito ay iilanamang samgauri ng taniman na nangangailan ng mataasna antas ng pagsasaka upang mapainam at mapagyaman ito.

Bilang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng magsasakang Pilipino tulad ng mekanisasyon, inilunsad ang FJ500 compact tilller ng HPI noong 2015 na may kakayahang magbungkal ng tuyo at matigas na lupa ng ating mga gulayan. Habang ang F300 compact tiller naman ay inilunsad noong 2018 para sa pagbubungkal at pagdadamo ng maliliit na pagitan ng taniman  katulad ng greenhouse farms at mga taniman ng litsugas, okra , kamatis at iba pang mga pananim na gulay.

Gamit ang FJ500 compact tiller para bungkalin at taniman ng gulay Ang F300 compact tiller ay epektibo sa pagbubungkal at pagdadamo ng maliit na taniman

 

Ngayong Setyembre, ilulunsad ng HPI ang pinakabagong produkto nito- ang FQ650 compact tiller. Ito ang pinakamalakas na compact tiller ng HPI. Hindi lamang nito napanatili ang mga magandang katangian ng naunang modelong  FJ500 na mainam sa taniman ng gulay, naaangkop din ito sa pag-aararo ng palayan. Ang FQ650 ay pinapatakbo ng makinang GP200 na garantisadong matipid ang konsumo sa gasolina, madaling paandarin, matibay, at higit sa lahat maaasahan.

Katulad ng naunang FJ500 na modelo, ang FQ650 ay mayroon ding user-friendly features tulad ng safety clutch lever, transmission gear shifts, muffler guard, large sub-fender, transport wheels, engine guard at rotor mount at adjustable handle bar at 2-year domestic warranty.

Ang FQ650 compact tiller ay mabibili sa lahat ng tindahan ng Honda Power Products authorized dealers sa buong bansa. Para sa karagdagang impormasyon tulad ng mga specifications at mga demo requests, bisitahin ang website na www.hondapowerproducts.ph at official Facebook page na Honda Power Products Philippines (@hondapowerproductsph).