Mula noon hanggang ngayon ay tunay na katuwang na ng bawat Pilipinong mangingisda sa araw-araw na hanapbuhay ang mga makina ng Honda. Halos tatlong dekada na magmula nang unang mailunsad ang GX340 Mega Marine noong 1993. Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga mangingisda sa buong kapuluan, sinundan ito agad ng mas pinalakas na GX390 Mega Marine noong 1997. Sa angking kakaibang disenyo, lakas, bilis at tipid sa gasolina, agad nabihag ng GX390 Mega Marine ang puso at tiwala ng mga mangingisda sa mga isla ng Mindanao at Visayas, gayundin sa ilang bahagi ng Luzon – dahilan upang tawagin itong “Hari ng Dagat.” Sa loob ng maraming taon, naging laman ng kwentuhan at saksi ang GX390 Mega Marine sa mga kasiyahan at kapistahan ng bawat pamayanang pangingisda.
Bilang tugon sa tiwala at suportang tinatanggap ng GX390 Mega Marine, hindi tumitigil ang Honda Philippines, Inc. sa pagtuklas at pagsisiyasat ng mga paraan upang mapaunlad pa ang “Hari ng Dagat.” Noong 2007, muling naglunsad ang Honda ng mas mataas na kalidad na GX390 Mega Marine na binibigyang-diin ang kaligtasan ng mangingisdang gagamit nito upang masigurong ligtas na makakabalik ang bawat mangingisdang Pilipino at makaiwas sa panganib at banta ng masamang panahon.
Ngayong Nobyembre 2020, muling tutugon ang Honda Philippines, Inc. sa hamon ng panahon at pangangailangan ng mangingisdang Pilipino sa pamamagitan ng bagong Honda GX390 Mega Marine, ang “Totoong Hari ng Dagat.” Ang bagong GX390 Mega Marine ay magkakaroon ng dalawang modelo: GX390T2 LBP na angkop sa mahahaba at mabibigat na bangka at GX390T2 QBP na angkop naman sa mga maiiksi at mabibilis na bangka.
Ang dalawang bagong modelong ito ay 30% na mas mataas ang power (kabalyos) kumpara sa standard na modelong Honda GX390T2 QHP1 at mas mataas ng 15% kumpara sa naunang modelo na Honda GX390 Mega Marine. Nangangahulugan ito na ngayon ay mas malakas na ang makinang kaagapay sa pangingisda at pang-karera. Bukod sa lakas, mayroon din itong improved cooling system upang maiwasan ang pag-overheat sa gitna ng laot.
Tulad sa mga naunang modelo, ang bagong GX390 Mega Marine ay nananatiling subok na matibay, madaling paandarin, matipid sa gasolina at binibigyang halaga ang kaligtasan ng bawat mangingisdang Pilipino. Sakop pa rin ito ng 2-year domestic warranty.
Sa bawat paglaot gamit ang bagong Honda GX390 Mega Marine, nakakasiguro ang mangingisda sa kalidad, lakas at bilis upang ligtas na makatulong sa hanapbuhay para sa sarili, pamilya at mga mahal sa buhay. Panatag ang tiwala mo sa Totoong Hari ng Dagat!
Para sa karagdagang impormasyon